Scyclide Schuboltz

Tuesday, June 19, 2007

Haaaaaiiiiyyyssss
It was 3:00pm of Thursday when the management decides to rearrange the workplace of the admin. Nalungkot ako kasi isa sa mga plano nila eh paghiwa hiwalayin ang mga encoder at ilipat sa ibang kwarto. Naging ka close ko na rin kasi sila and it was hard for me to see na malayo na sila, anyways ano bang magagawa ko? Unang taon ko sa Meralco sila ang kasama ko at sila ang mga nagging kadamay ko sa mga problema sa buhay at kung minsan eh sa trabaho. Naging kasama ko narin sila sa mga tawanan at sa hirap, naging parte narin kasi sila ng buhay ko.
Nung naglilipatan na nga eh hindi ko alam ang gagawin at mararamdaman, pero syempre malungkot ako as in sobrang lungkot. Yung tagal na samahan namin na umabot halos ng isang taon ay para bang pinaghiwalay ng halos 30 minutos, alam ko naman na mananatili yung pagsasamahan naming sa puso eh pero iba parin kasi kung magkakasama nang matagal sa isang araw. Mangiyak ngiyak na nga ako ng binubuhat nila yung mga mesa, for me that is the only thing I can do for that situation para ma ease ung nararamdaman ko wala naman talaga kasi akong magagawa eh.
Halos tapos na ang araw 4:40PM ng matapos ang lipatan para isang isla na nawalan ng tao ang kwarto namin. Lumungkot at parang nawalan ng buhay ang lugar sa mga ganitong oras nagbibiruan at nagtatawanan na kami pero wala as in wala ….. malungkot …..

No comments: